It has been a while since I wrote a Tagalog composition. Another poem I made out of boredom.
Dumating na naman ang umaga
May keso at pandesal sa lamesa
Kapeng nanlalamig na sa tasa
Ngunit mapait pa rin ang lasa.
Dumaan na naman si Ka Isko
Kilalang dito'y magtataho,
Minsan naman ay bote -dyaryo
Siya din ay naglalako.
Lalabas ng kwarto si Inay
At ang kapatid kong si Duday
Mag-aalmusal, maliligo
Pagkatapos ay aalis ng bahay.
Dumating na naman ang umaga
May keso at pandesal sa lamesa
Kapeng nanlalamig na sa tasa
Ngunit mapait pa rin ang lasa.
Dumaan na naman si Ka Isko
Ngayon 'di na siya magtataho,
Nanalo na siya sa lotto
At ngayo'y may-ari ng ng kasino.
Lumabas na ng kwarto si Inay
Kasama ang aming kasambahay
Nars na rin pala si Duday
at paalis papuntang Hawai.
.
Sa loob ng limang taon
Nag-aantay pa rin ako
Na makita sa tapat ng bahay
Kahit man lang anino mo.
Limang Pasko ang nagdaan
Limang taon ang nakaraan
Pasko na naman, Sinta
Pasko na ngunit wala ka pa.
No comments:
Post a Comment